yolanda

Ang Super Bagyong Yolanda

Ang Super Bagyong Yolanda ay isang malakas na bagyong nanalasa sa gitnang Pilipinas noong Nobyembre 8,  2013. Ang Haiyan, na nangangahulugan na petrel sa wikang Intsik ay isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa daigdig, at ang ikalawang pinakamalakas na bagyong naitalang tumama sa Pilipinas, na kumitil sa hindi bababa 3,976 katao. Nagdulot ng malawakang pagkawasak ang bagyo sa Pilipinas, lalo na sa Pulo ng Samar at Leyte, kung saan tinaya ng gobernador na hindi bababa 10,000 katao ang nasawi sa lungsod pa lamang ng Tacloban. Unang tumama ang Bagyong Yolanda sa pulo ng Guiuan, Silangang Samar dakong 4:45 n.u. na may taglay na hangin na 196 mph (315 km/h), na naging dahilan upang maging pinakamalakas na bagyo sa daigdig na tumama sa kalupaan.