maguindanao massacre

Masaker sa Maguindanao

Ang Pamamaslang sa Maguindanao, na kilala rin sa tawag na Masaker sa Maguindanao  ay isang insidente ng pamamaslang na naganap sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao sa pulo ng Mindanao ng Pilipinas noong 23 Nobyembre 2009. Ang insidenteng ito ay isa sa mga pinakamalubhang kaharasang pampolitika. May tuwirang kaugnayan ang insidenteng ito sa halalan sa taong 2010.

Humugit-kumulang 64 na ang mga biktima ng insidente habang 4 ang nakaligtas. Dahil marami sa mga biktima ay mga mamahayag, kinilala ang insidente bilang “pinakamalagim na araw sa kasaysayan ng pamamahayag”. Matapos ang pangyayari, “ang Pilipinas na ang pinakadelikadong lugar para sa mga mamahayag, daig pa ang Irak“.